September 11, 2025 12:24 AM
Isinagawa ngayong Setyembre 2, 2025 ang unang araw ng Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) Formulation Workshop sa The Glory Hotel and Residence, Gil Puyat Avenue, Clark Freeport Zone, Pampanga.<br>Inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac sa pangunguna ni Hon. Christian Tell A. Yap, Provincial Governor ng Tarlac, na dinaluhan ng mga punong opisyal ng lalawigan, kasama ang ibaβt ibang kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan ng Tarlac.<br>Tinalakay sa unang araw ng naturang workshop ang tungkulin ng mga lokal na pamahalaan sa pag-unlad ng probinsya, ang kahalagahan ng hazzard mapping at resiliency sa pagpili ng mga tamang lokasyon para sa mga imprastraktura ng iba't ibang sektor, at ang province-wide identification ng mga pinaka-angkop na lugar para sa mahahalagang imprastraktura.<br>Ibinahagi rin ni Gov. Christian Yap sa workshop ang kanyang mga plano, programa, at mga aktibidad para sa lalawigan, na nakabatay sa limang pillars: edukasyon muna, kalusugan muna, trabaho muna, kalikasan muna, pagkain muna. Ilan sa kaniyang mga nabanggit ay ang Community Colleges, Modernization of Tarlac Provincial Hospitals and other District Hospitals, Housing Projects, Eco Tourism Agriculture, at Modernization of Agricultural Systems.<br>Bukas, Setyembre 3, gaganapin ang ikalawang araw ng workshop na magbibigay-diin sa pagbuo ng mga estratehiyang angkop sa rehiyonal at nasyonal na mga plano.